Loonie – Sinungaling Lyrics

(1st stanza) – LOONIE
sinungaling ka, sinungaling ako, sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo.
sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno. sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno.
sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo. baradong inidoro sinong galing sa banyo.
mahirap malaman kung sino sa atin ang tapat. sapagkat para sakin sinungaling ang lahat.
sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi, sinungaling ang tsuper pati yung metro ng taxi.
sinungaling ang kasintahan anak ng tinapa, sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa.
kasama nya yung sinungaling mong tunay na kaibigan na dadamay sa’yo hanggang sa hukay mo sa libingan.
pano mong malalaman ako’y nanloloko lamang, sinungaling ako at yun ang katotohanan.

(chorus) -LOONIE
kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan. di ko rin alam kung sinong papaniwalaan.
sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako.
kasinungalingan sa kaliwa’t sa kanan makinig ka muna upang mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin.

(2nd stanza) – RON
meron akong kwento isa daw syang henyo, kaya pala kase mahilig sya mag imbento, bawat may makilala may panget na komento. pero pag kaharap parang galing sa kumbento.
makamandag kase dila ay hawig sa ahas dahilan para kagatin ni eba ang mansanas, ngunit ako’y matalas, wala na syang takas, alam na namin na di sya lumalaban ng patas.
mag ingat ka na rin, may balak syang maitim. alam ko’y ahas lang ngunit tao’y nagbabalat na rin. ibat- iba ang hugis at kulay, sa pag sisinungaling sya nabubuhay. pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko. dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo. lumayo ka sakin, wag mo kong kausapin, alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling.

TRENDING:   Forest For The Trees - Fall Lyrics

(chorus) -LOONIE
kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan. di ko rin alam kung sinong papaniwalaan.
sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako.
kasinungalingan sa kaliwa’t sa kanan makinig ka muna upang mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin.

(3rd stanza) -TUFF
di ko alam kung sino ang mga bulaan. pero susubukan kong hulaan, mga nakangiti sa pagkislap ng ilaw na parang isang larawan at biglang dinaig ng mga bulungan ang tawanan na parang paligsahan batuhang kaliwa at kanan. kasing kinang ng perlas ng kasinungalingan.
pero bakit ba malabo ang katotohanan? ngayon subukan mong bilangin kung ilan ang tunay mong kaibigan. isa, dalawa o sampu, ilan? ilan ang pwede mong silungan sa gitna ng ulan?
ilang ang tunay na bakas na maaring mong sundan? at ilan na ba ang patalim mo sa likuran?
anong nakita mo paglingon sa’yong pinanggalingan? di na rin ako naniniwala sa kasabihan, kaya wag ka magtaka at itanim sa isip minsan mas sinungaling ang kakampi mo kaysa sayong kalaban.

(chorus2x) -LOONIE
kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan. di ko rin alam kung sinong papaniwalaan.
sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako.
kasinungalingan sa kaliwa’t sa kanan makinig ka muna upang mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin.

(4th stanza) – LOONIE
isipin mo na nasa gubat ka ika’y giniginaw di mo alam ang daan palabas ika’y naliligaw.
may dalawang daan kaliwa at kanan mayron dalawang nakabahag na nakaharang, yung isang daan papunta sa kabihasnan, yung isa naman papuntang kapahamakan. yung isang nkabahag laging nagsisinungaling, yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin. di mo alam kung sino sa kanila ang huwad. magkamukhang magkamukha parehas pang nakahubad. isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila para makalabas sa gubat at makapag pahinga. ang sagot sa tanong na to ay palaisipan, kung gusto mong matuklasan nasa papel ng cd yan. pano mo malalaman na ako’y nanloloko lamang, sinungaling ako at yun ang katotohanan.