Loonie – 3 Blind Mics Lyrics

[Featuring: Ron Henley & Gods Will]

[Chorus:]
Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo?
Pinatawad ko ang yong angal-angal

Ako’y nabulag sa pera, nagtatanong kung nasan
Ang tamang daanan, nabubulag-bulagan
Nagpapasalamat na lamang na buhay ako
Kahit lahat ng panaginip ko’y kulay abo
Kaya ito ang napili kong paksa
Ilan sa mga peklat ng sarili kong bansa
Bulag ka ba? Bakit ang napili mo’y ako?
Baka dahil bulag sa pag-ibig ko sayo
Baka matalisod ako, di ko alam
Kung nakatalikod ako o nakaharap
Iniwan sa lansangan dahil saking kapansanan
Di marunong mag-gitara pero hayup sa bagsakan
Kahit pa yumaman, lahat ng pera’y di pa rin sapat
Kung di mo mabibilang kung magkano ang lahat
Diyos ko po, ang tanging hiling ko lang
Ay makasilip naman kahit isang minuto lang

[Chorus:]
Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo?
Pinatawad ko ang yong angal-angal

[Ron Henley:]
Di ko na maaninag ang aking nilalakaran
Di ko na malaman kung anong tinatapakan
Nangangapa baka madapa, matumba
Ang daang ito di ko alam kung san papunta
Mga matang nakatahi, di ko alam
Kung sino ang totoo at hindi
Nakangiti, nakangiwi,
Kaaway ba o kabati
Sa ilog na may shokoy na nanghihila ng binti
Nagulat sa mga hubad na katawan
Nabulag sa katanyagan at karangyaan
Hanggang sa makarinig ng pambihirang tunog
Dahilan para magising ang diwang tulog
Ayoko sa dilim
Ayoko sa mundo walang ibang kulay kundi itim
Tanong ko sa sarili sino nga bang talaga?
Naghanap pa ng iba, eh nandyan ka lang pala

TRENDING:   Church - Busdriver Lyrics

[Chorus:]
Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo?
Pinatawad ko ang yong angal-angal

[Gods Will:]
Sa balat nakaukit, bisyong mainit
Ilang beses ko na itong inulit
Habang nakaabang sa lansangan
Tangan ang pangalan, salita, katunayan
Saang larangan man, maaasahan
Ang bawat laban sing bigat ng karangalan
Katumbas ay kayamanan, kasikatan
Kayabangan, kababawan
Ambisyon ko’y kaginhawahan
Kahirapan ay aking pinagsawaan
Diyos pala, demonyo daw ang ugali salawahan
Sila ay ipako man o hugasgahan
Parang drogang iligal, binabalikbalikan
Sanay mapakinggan at maramdaman
Ang himig ng saradong bibig ay may laman
Malalim ang inisip at walang may alam
Tatlong mikropono nagbubulag-bulagan lang pala

[Chorus:]
Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo?
Pinatawad ko ang yong angal-angal